Kalikasan ay Pahalagahan

Mary Myrhell Pace

Ang liwanag ng daan
Napakasarap pagmasdan
Habang naglalakbay,
Sa makulay na kagubatan
Mga punong kahoy nagsasayawan
Mga ibong nag-aawitan
Simoy ng malamig na kay sarap langhapin
Oh,kalikasan salamat,
Sa taglay mong kasaganaan
Ang ganda moy nagniningning,
Sa buong sanlibutan
Ngunit mga taong abusado
Saganang gubat kina lbo
Mga ibong lumilipad
Saan pupugad
Mga gala sa kagubatan,
lnyong basura’y iniwan,
Pag-akyat ng bundok
Naging pagsubok
Kalikasan na sa atin ay biyaya
Huwag ipagwalang bahala
Sapagkat kapag itoy sinamantala
Tayo lang din ang kawawa.

This poem sprouted in the Philippines, in response to “#RewriteCOP: Enhancing implementation, action by non-party stakeholders” by Jenny Mae Albinio in the Philippines.
Respond Button
Thank you, Mary Myrhell Pace, for responding to the public call for poem seeds and sprouts! Every voice matters. Everything counts.