May pag-asa pa

Anna Marie Turtor Tomagan

 

Bagyo, unos at kalamidad ang siyang dahilan
ng pagkasira sa ilang mga kabuhayan
Pero hindi ito kasalanan ng ating kalikasan
Kung bakit ito ay ating nararanasan
Kasalanan ito ng mga taong walang ginawa
kundi parusahan ang ating kapaligiran
At mundong ating kinatatayuan

Hindi pa huli ang lahat
Pwede pa tayong bumawi
Baguhin ang dapat baguhin
Ihinto ang dapat ihinto
Magtanim at pahalagan ang kalikasan
Itanim ang bawat pag-asa
na nais natin magbunga ng mapayapa
At malayo sa unos at maraming kalamidad na planeta

This poem sprouted in the Philippines, in response to “When Is Now” by Daphne Marie L. Siega in the Philippines.
Respond Button
Thank you, Anna Marie Turtor Tomagan, for responding to the public call for poem seeds and sprouts! Every voice matters. Everything counts.