Tawang ng Ating Kalikasan
Ira Jen Maglangit
Tawag ng ating kalikasan, ating pakinggan
Sapagkat siya ang nagbibigay ng ating pangkabuhayan
Na siya nating lubos na kailangan
Sa panahon ng kawalan
Sa kabulastugan natin
Siya’y nasali din
Walang ibang hiling
Kundi ulit siya’y pasiglahin
lkaw, ako, tayo’y magtulungan
lbalik muli ang kanyang kasiglahan
Sa panahon kung saan kanyang nagustuhan
Kaya kilos na mga kababayan
Dakila ang kalikasan
Na dapat nating ipagyaman
Kabuhayan ay pahalagahan
Kalikasan ay alagaan