Aking kalikasan
Generose A. Siangco
Aking kalikasan
Tila ika’y napabayaan
Nararapat lamang na sila ay parusahan
Kagandahan mo ay dina pinahalagahan
Mga tao ay nagpaka hayop
Mga plastik sinusunog
Amo’y parang basurang bulok
Kalat dito at nag lalakihang usok
May nakikinig ba sa iyong pakiusap?
O nagpaka bingi na tila ba’y kanila kang pag mamay-ari
Hayaan mo’t silay singilin
Paglipas ng panahon ika’y makakabangon din.