Pagunaw na Mundo

Saint Rey Cayongcong

Ako’y nakaupo
Kasama ang isang boteng alak
Minamasdan ko ang paligid lalong lumiliit ang mundo
Iniisip ko ang kahapon kong nakita
Isang tao palihim na lumalagari
Mga puna ay binabali.

Mataas na gusali sa ating mundo
Ay pagkasira naman ng ating gubat, ilog at kabundukan
Ako ikaw, lahat tayo
Dito sa mundo tayo ay may katungkulan.

Mga basura sa ilog at dagat na tinatapon
Na iipon sa dalampasigan
Dun na inaalon. 

Mga basura na iiwan lang sa daan
Di na binibigyan ng importansiya ang kapaligiran
Pag bumaha diba
Sa atin din babalik yan.

Respond Button
Thank you, Saint Rey Cayongcong, for responding to the public call for poem seeds and sprouts! Every voice matters. Everything counts.