Pagpapahalaga sa Inang Kalikasan

Carmel Cabanag

Ang kalikasan ay likha ng maykapal para sa sanlibutan,
dapat natin itong mahalin at ingatan,
ang lahat ng ating pagsisikap at magkaroon ng katuturan,
Kung ito’y isapuso at isaispan,

Bukod sa pagpunan sa ating pangangailangan,
Kalikasan din ang pinagkukunan ng sangkap sa ating kagamitan,
bagkus dapat natin pahalagahan,
dahil ito ang pinagkukunan ng yaman,

Ang karne, lsda, at gulay na ating kinakain,
malamig at malinis na tubig na ating inumin,
ibat ibang pagkain na inilapag sa mesa,
ay epekto at sanhi sa iyong pagpapahalaga,

Marami ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan,
isa dito ang pag-aabuso ng may kapangyarihan,
lalo na ang may ari ng pabrika at minahan,
kaya kailangan natin ng hakbang para sa lupang ginagalawan,

Maraming paraan upang matulungan ang inang kalikasan,
Ngunit ang nakakalungkot sa aking isipan,
na tila maraming bata at matanda ang walang inisiatibo sa bayan,
upang mabago ang sitwasyon ng kapaligiran,

Kailangan natin panatiliing malinis ang kapaligiran,
dahil dito nakasalalay ang ating kalusugan,
pagtatanim ng puno sa wastong taniman,
at paglagay ng basura sa basurahan.

This poem sprouted in the Philippines, in response to “Storm” by Ma. Isobel Ocao in the Philippines.
Respond Button
Thank you, Carmel Cabanag, for responding to the public call for poem seeds and sprouts! Every voice matters. Everything counts.