Takbo

Sharmaine Joy Fruelda

 

Naghahabulan ang ulan sa kalangitan,
Ang hanging malakas, bumabayo’t nagpapalakpak.
Bagyo ang dumating, lakas nitong humampas,
Sa ating bayan, kalingkutan ang dumagsa.

Humahagibis ang mga ulap, itinataboy ang liwanag,
Ang mga alon, umaalon sa dagat ng pighati.
Sa bawat hampas ng unos, lalo tayong nasisiraan,
Ngunit sa bawat unos, pag-asay’s nagsisilabasan.

Tila isang digmaan, ang hangin at ulan,
Ang mga puno, sila’y nagpapatalo’t sumusuko na.
Ngunit tayo, tayo’y matatag, tulad ng matibay na kawayan,
Lalaban tayo, sasagupa ang unos, hindi tayo mawawalan.

Sa bawat bahaghari na sumasabog sa kalangitan,
Ang langit ay nagpapaalala, may liwanag pa sa dilim.
Kahit gaano pa kahabang ang buhos ng ulan,
Lilipas din ang bagyo, sisikat muli ang araw.

Sa gitna ng unos, tayo’y magkakapit-bisig,
Magtutulungan, magmamahalan, walang iwanan.
Ang bawat patak ng ulan, tanda ng ating pagsulong,
Ang bawat hampas ng hangin, tanda ng ating tagumpay.

Kaya’t sa gitna ng baagyo, huwag mangamba,
Laging may liwanag, sa bawat kalungkutan.
At sa huli, tayo’y maglalakbay patungo sa araw,
Matatagpuan natin ang kapayapaan, walang hanggan.

Respond Button
Thank you, Sharmaine Joy Fruelda, for responding to the public call for poem seeds and sprouts! Every voice matters. Everything counts.