Binhi

Sherliza Quiki

Libutin mo man ang ibang planeta
Mundo lang natin ang kakaiba,
Bagama’t napakaraming kaganapan
Sa gitna nang bawat karagatan
Walang dahilan upang wag
pasalamatan.

Bawat bin hi ng pag-asa
Puna na nagbibigay nang bunga,
Bawat hampas ng alon ay ligaya
Han gin na nagbibigay sa atin ng
badiya.

At sa paglipas ng a raw
lyong makikita ang mga dahon,
Ay liliparin nang pagkakataon
At sa pabago-bagong klima o
panahon.

Susubukin nang kalikasan
Katatagan nang sambayanan,
Tsaka lang masisilayan
Likas na yaman ng kalikasan.

Nangangailangan ng pag-aaruga at
alaga
At doon ay iyong mailalarawan,
Mundo na tila sinisilangan nang
araw
Sa dapit-hapon na bibihag sa kung
sino man,
Kukulayan nang pula ang kalangitan
dulo nang dalampasigan.

This poem sprouted in the Philippines, in response to “Storm” by Ma. Isobel Ocao in the Philippines.
Respond Button
Thank you, Sherliza Quiki, for responding to the public call for poem seeds and sprouts! Every voice matters. Everything counts.